In the stillness of Your presence,

let me hear Your voice...



Dec 6, 2005
...still...

Hide me now
Under Your wings
Cover me
Within Your mighty hand

When the oceans rise and thunders roar
I will soar with You above the storm
Father You are King over the flood
I will be still and know You are God

Find rest my soul
In Christ alone
Know His power
In quietness and trust

Posted at 10:46 pm by zokoro
Make a comment  




Nov 21, 2005
Beautiful beyond description

Sobrang natutuwa ang aking puso sa mga bagay bagay na ginagawa Mo sa buhay ko.  Sa buong Linggo na nagdaan, pinakita Mo sa akin kung gaano ako kahalaga sa'Yo. Grabe Mo pala akong iniibig. Salamat dahil dun.

Lord, kahit noon pa man, alam Mo na kung anong magiging purpose ko sa mundong ito.  Gusto kong maging malinaw ang lahat ng yun.  Marami akong mga plano sa buhay pero walang saysay yun kung hindi Mo po ako sasamahan.  Lord, salamat sa mga pangako Mo, dahil dun lumalakas ako at nakakaya kong gawin 'to... Natutuwa ako sa maraming bagay.

I wil try to recall how blessed I am nitong mga nakaraang araw...

1. Nung Monday, nakapag duty ako ulet sa wakas!!!

2.Nung Tuesday kasama ko sa school si Alps nang biglang sumakit ang tyan ko. Sobrang sakit pero tinulungan Mo ako na mawala yun. Thank You!!!

3. Nung Wednesday, thank You po kasi sinamahan ako nila Haz at Erica magduty kaya hindi ako inantok masyado.  Salamat din kasi naintindihan ko yung lesson sa Accounting. Wow!!!

4. Nung Thursday, libing ng papa ni cherry. Thank You sa burden na puntahan siya para makiramay. Thank You din dahil nakasama ko sila. Plano kong huwag ng pumasok pero buti na lang at nakapasok pa'ko kahit late. Nakapag activity ako at attendance. Yipee!!! Thank You sa pag-iingat Mo sa amin nila haz at erica sa overnight.  Kahit konti lang ang naaral namin, salamat pa din po sa time na yun.

5. Nung Friday, Wow! Thank You Lord talaga!!! tapos ko na ang Luke. Sorry Lord kung nagiging pabaya ako minsan ah. Salamat talaga dahil dun. Thanks for the strength that You have given me. Super nakakapagod ang araw na'to. Galing kila erica, diretso kila alps tapos uwi sa bahay para mag-ayos papasok sa school. Sa school, duty for one hour then class at 6pm 'til 9pm tapos sleep over kila alps for the poster. Whew! Thank You Lord for sustaining me and for giving an Alps in my life... ü

6. Nung Saturday, kahit sobrang pagod pa rin, salamat kasi nakapasok pa ring kinabukasan kaya lang medyo na-late nga lang. Thank You Lord sa libreng fair patungo sa LRT station.  Thank You Lord dahil nagandahan si prof. sa poster made by Alps. Yey! Thank You Lord sa dinagdag Mo na another year for Noemi.  Thank You din po sa tulog na pinagkaloob Niyo.

7. Nung Sunday, nakaka-amaze ng sobra!!! Salamat sa mga pangako Mo. Walang kapantay ang presensya Mo.  Lord, salamat kasi patuloy Mo akong tinutuwid at sinasamahan.  Lord, thank You for the desire in my heart.  Thank You for filling my heart with joy. Thank You for Your Word.  Salamat dun sa mga pinasabi Mo kay Bro. Anthony.  I'll hold on to Your promises.  Thank You for making me special in Your sight.

   Lord, I know this is not enough... I may have forgotten somethings that You've done in my life but still, I do want to thank You.  I stand amaze at Your greatness. You really beautiful beyond description.  I am captured by You! This very day, I feel not so okay. I don't know why but I remember what we sang last Sunday...

It doesn't depend on the circumstance
The strength of my arms or my voice
It doesn't depend on the way I feel
I made up my mind and I'M GONNA REJOICE!!!

THANK YOU SO BIG!!!

Posted at 10:38 pm by zokoro
Make a comment  




Oct 28, 2005
Salamat sa Iyo

Thank You Lord!

   Ang galing Mo Lord kasi pinaisip Mo sa'kin na gawin 'to para sa'Yo. Ang puso ko ay labis na nagagalak sa kagagawan Mo. Mabuti ka at palaging tapat kahit na nagkukulang na'ko sa'Yo. Ikaw lang ang nakakapagbigay sa'kin ng kakaibang pag-ibig.

   Minsan pinagdududahan ko pa ang kapangyarihan Mo. Ang tigas pa ng ulo 'ko pero alam Mo na sa'Yo pa din ako tatakbo pagkatapos ng mga nagawa ko na naging sanhi ng kalungkutan Mo. Bakit ganun na lang ang pagmamahal Mo sa akin? sa amin na mga anak Mo?

   Sa totoo lang, I wonder how you look like. Gusto kitang mahawakan at makita. I am looking forward to seeing You one day. Kailan kaya yun ano? Alam mo Lord, gusto kong patakbong yumakap sa piling Mo na para bang bata na nagnanais na lambingin ang kanyang tatay.

   Lord, sorry kanina ha... Di na naman kita inuna. Alam ko unti-unti makakaya ko din yun. Yung tipong pagmulat ng mata ko, Wow! Ang ganda ng umaga!!! Good Morning Lord! Salamat sa mahimbing na pagtulog ko at pagbabantay Mo sa akin. Humilik ba'ko Lord? Gusto ko yung lahat ng gagawin ko, itatanong ko muna sa'Yo. Nais ng puso ko ang maging sanhi ng kagalakan Mo.

   Lord, batid mo ang laman ng puso ko ngayon. Alam mo yung iniisip ko. Lord, parang awa Mo na please tulungan Mo'ko. Basta wag Kang lalayo sapat na. Samahan Mo 'ko palagi ha kasi takot akong mag-isa. Gusto ko lagi kang nandyan sa tabi ko at nakayakap sa'kin.

    Thank You Lord for You love me more than anyone in this world. Thank You for letting me see the beauty of Your creation. I can't wait to see You face to face. I love You Lord. You are the lover of my soul.

Posted at 11:07 am by zokoro
Make a comment  












<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

You are forever in my life.





Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed